KARAPATAN NG MGA HAYOP


           

Ang mga hayop kahit saan mang parte ng mundo, mapahimpapawid man, sa karagatan o sa lupa, sila ay mahalaga. Ang mga hayop ay naunang ginawa ng Panginoon dito sa mundo kaysa sa mga tao kaya dapat lamang silang alagaan at mahalin. Pero bakit ngayon? Ang mga hayop na noon ay inaalagaan at minamahal, ngayon ay binabalewala na lamang at higit sa lahat sila ay pinapatay. Ang mga hayop din ang tumutulong sa atin para mapagaan ang ating trabaho, tulad na lamang sa argikultura, ang mga dumi ng paniki na nakakatulong sa pagpapataba ng lupa at ibon na nakapagtatanim ng mga prutas sa pamamagitan ng pagkain nito at ang boto ay nahuhulog kung saan-saan. Ang mga kalabaw na lagi nating katulong sa pagsasaka at iba pa.

Karapatan din nilang mabuhay, may makakain at may matitirhan. May mga hayop na basta-basta na lamang pinababayaan. Sa panahon natin ngayon may nababalitaan na lamang tayong may namamatay na mga hayop, tulad na lamang ng mga aso. Mga asong pinapatay, binibenta, at kinakain ng mga taong walang puso. Hindi lang aso ang laging napapatay, meron ding mga pusa, ibon, pawikan at iba pa. Nakakalungkot lang isipin na may mga hayop na unting-unti nang nauubos.
Sa ganitong gawain ng mga tao maari silang maparusahan. Ang pamahalaan ay may iginiwang batas para sa kung sino ang mahuling pumapatay ng mga hayop. Ang Republic Act No. 8485 AN ACT TO PROMOTE ANIMAL WELFARE IN THE PHILIPPINES, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998” Taon ng Pagsasabatas: 1998, pirmado ni Pangulong Fidel V. Ramos, na unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas. Sinasabi sa batas na kailangan mabigyan ng wastong pangangalaga, at maaring maparusahan ang kung sino ang lumabag sa batas na ito.
Republic Act No. 10631
AN ACT AMENDING CERTAIN SECTIONS OF REPUBLIC ACT NO. 8485, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998″ Taon ng Pagsasabatas: 2013, pirmado ni Pangulong Benigno S. Aquino
Batas na pinaigting pa sa kasalukuyang batas na umiiral kaugnay sa animal walfare act. Ilan sa mga amyenda o pagbabagong itinadhana ng RA 10631 ay ang mas mataas na piyansa o parusa kapag napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ng RA 10631 ang multa sa paglabag ng batas; mula sa dating P1,000 hanggang P5,000, ginawa itong P50,000 hanggang P100,000. Ihinawalay rin nito ang mga parusa sa bawat opensa at idinagdag bilang paglabag sa batas ang sinumang mapatunayang pinabayaan ang hayop na nasa kanyang pangangalaga.
Sa kasalukuyang panahon, may mga departamento ng nangangalaga at nagpaparami ng mga hayop lalo na sa mga hayop na malimit ng nabubuhay sa mundo tulad ng mga pawikan, agila at iba pang hayop na malapit ng maubos. Ang mga pinaigting na batas ay para mapaunlad at mapanatiling buhay ang mga hayop at para mapayapa ang ating pamumuhay kasama sila.
Ating tandaan na tayo ay ginawa ng Dios na mas mataas sa lahat ng bagay kaya responsable tayong alagaan sila tulad ng pag-aalaga natin sa ating sarili. Dahil marunong din silang makaramadam ng tuwa, sakit,pagkagutom gayan ng mga tao, kaya atin silang alagaan at mahalin.
Para sa ilan, ang mga hayop ay puwedeng gamitin sa anumang paraang gusto ng tao. Sinasabi naman ng iba na ang mga hayop ay dapat tratuhing gaya ng mga tao.
Ganito ang sinabi ng Diyos na Jehova, ang Maylalang ng buhay, sa mga tao: “Magkaroon kayo ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga lumilipad na nilalang sa langit at sa bawat nilalang na buháy na gumagala sa ibabaw ng lupa.” (Genesis 1:28) Kaya naman makatuwirang isipin na para sa Diyos, ang mga tao ay nakatataas sa mga hayop.

Sinusuportahan iyan ng mahalagang pananalitang mababasa bago ang tekstong nabanggit sa itaas. Sinasabi ng Bibliya na “pinasimulang lalangin ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan, nilalang niya siya ayon sa larawan ng Diyos; nilalang niya sila na lalaki at babae.”—Genesis 1:27.

Dahil ang mga tao ay nilalang “ayon sa larawan ng Diyos,” tayo lang ang nakapagpapakita ng makadiyos na mga katangiang gaya ng karunungan, katarungan, at pag-ibig. Mayroon din tayong likas na kakayahan na magpakita ng kagandahang-asal at espirituwalidad. Walang ganitong mga katangian ang mga hayop dahil hindi naman sila nilalang “ayon sa larawan ng Diyos.” Nakabababa sila at hindi dapat tratuhin na parang tao.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento