Mga Post

KARAPATAN NG MGA HAYOP

Imahe
            Ang mga hayop kahit saan mang parte ng mundo, mapahimpapawid man, sa karagatan o sa lupa, sila ay mahalaga. Ang mga hayop ay naunang ginawa ng Panginoon dito sa mundo kaysa sa mga tao kaya dapat lamang silang alagaan at mahalin. Pero bakit ngayon? Ang mga hayop na noon ay inaalagaan at minamahal, ngayon ay binabalewala na lamang at higit sa lahat sila ay pinapatay. Ang mga hayop din ang tumutulong sa atin para mapagaan ang ating trabaho, tulad na lamang sa argikultura, ang mga dumi ng paniki na nakakatulong sa pagpapataba ng lupa at ibon na nakapagtatanim ng mga prutas sa pamamagitan ng pagkain nito at ang boto ay nahuhulog kung saan-saan. Ang mga kalabaw na lagi nating katulong sa pagsasaka at iba pa. Karapatan din nilang mabuhay, may makakain at may matitirhan. May mga hayop na basta-basta na lamang pinababayaan. Sa panahon natin ngayon may nababalitaan na lamang tayong may namamatay na mga hayop, tulad na lamang ng mga aso. Mga asong...